WebClick Tracer

Pagkansela sa party-list registration ng Gabriela, Kabataan umusad na

Umusad na ang inihain ng NTF-ELCAC na cancellation of registration laban sa Gabriela at Kabataan party-list groups.

Sa panayam sa programang Laban Kasama ang Bayan, masayang inihayag ni Justice Angelita Miranda, Assistant Solicitor General ng Office of the Solicitor General, ang pag-usad sa cancellation of registration laban sa Gabriela at Kabataan.

Aniya, nagkaroon sila ng face to face hearing kasama ang Comelec, kung saan pinakinggan ang Gabriela at Kabataan.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Miranda hinggil dito ngunit positibo ang nakikita niya sa nangyari.

“Ang masasabi po namin dito, napakaligaya nung araw na ‘yun para sa republika at para sa NTF-ELCAC,” aniya.

“Napakahalaga po nito dahil nakita natin kung paano na-infiltrate ang parliament natin or a Congress with this front organizations, na iba po ang sinasabi nila in the outside but in the inside they’re recruiting, they’re reserving foreign funding from government, and of course from they’re agencies. Ito pong mga grounds na kabawal-bawalan sa ating Constitutions, sa ating Comelec laws, at saka espousing,” dagdag niya. (IS)

See Related Story Here:

Gabriela Rep. Brosas: Mababang presyo ng bilihin unahin kaysa rebranding

TELETABLOID

Follow Abante News on