WebClick Tracer

Pagbabalik ng NBA, kasado na sa Oktubre 24

Kasado na sa Oktubre 24 ang opening night ng NBA. Sa pagbabalik nito, maghaharap ang Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets at Phoenix Suns laban sa Golden State Warriors.

“Opening Night schedule for the 2023-24 NBA season Oct. 24 on TNT,” ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

Matatandaang winalis ng Nuggets ang Lakers sa nakaraang Western Conference Finals upang magtuloy-tuloy sa pagsungkit sa korona.

Ang Suns at Warriors naman ay kaabang-abang din dahil makakatapat ni Chris Paul ang dati niyang koponan na Suns. Kasama naman na ng Suns sa paparating na season ang shooter na si Bradley Beal. (CS)

See Related Story Here:

Kung pumalya sa NBA: Kai Sotto mamaw ‘pag nag-PBA – Asi Taulava

TELETABLOID

Follow Abante News on