WebClick Tracer

Music video ng ‘Bad Idea Right?’ ni Olivia Rodrigo, inilabas na

Inilabas na ng Filipino-American pop star na si Olivia Rodrigo ang music video para sa bago niyang awitin na ‘Bad Idea Right?’.

Ibinahagi na rin ng dalaga ang ilang larawan mula sa nasabing music video.

“Bad idea right? is out everywhere!!!!”

“I had a ball making the music video, u can listen and watch now!!!!!” dagdag pa nito.

Sa loob ng dalawang oras, ang nasabing music video ay may nahakot ng lagpas sa 600,000 views sa YouTube.

Samantala, ang paparating naman na album ni Olivia na ‘GUTS’ ay ilalabas na sa Setyembre 8.

(CS)

See Related Story Here:

Olivia Rodrigo maglalabas pa ng isang kanta

TELETABLOID

Follow Abante News on