WebClick Tracer

MTRCB na-‘good job’ kay Rendon

Nagpahayag ng kasiyahan si Rendon Labador matapos ipatawag ng MTRCB ang produksyon ng “E.A.T.” kaugnay sa viral na pagmumura ni Wally Bayola sa programa.

“Good job MTRCB!!!” ani Rendon.

Nagpasalamat din siya kay MTRCB Chair Lala Sotto sa patuloy na pagprotekta sa mga batang viewers.

“Pag patuloy natin ang pag protekta sa mga batang manunuod! Maraming salamat MTRCB Chair Lala Sotto!”

Sa “EAT” nitong Biyernes, humingi na ng paumanhin si Wally sa insidente.

“Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi. Nagkamali po ako dun at ako po ay humihingi ng inyong paumanhin at pag-unawa ninyong lahat. Pasensya na po. Pasensya na po sa lahat,” saad niya.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on