WebClick Tracer

Mga Pinoy ligtas sa wildfire sa Hawaii – DFA

Walang mga Pilipino na naapektuhan sa wildfire sa Maui, Hawaii.

Ito ang ibinalita sa Laging Handa public briefing ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega kasunod ng naganap na malawakang sunog sa bayan ng Lahaina.

Sinabi ni de Vega na nakausap niya si Philippine Consul General Emil Fernandez at batay sa impormasyong ibinigay sa kanya ng Hawaii state government, walang mga foreign nationals na naapektuhan sa wildfire na nagsimula noong Martes.

“Ang good news, kinausap namin si Congen Emil Fernandez, walang foreign nationals na affected sa wildfire sa Maui, Hawaii,” ani De Vega.

karamihan aniya sa mga Pilipino ay nagtatrabaho sa sentro ng lungsod kaya ligtas ang mga ito sa wildfire.

Nakamonitor aniya ang DFA sa sitwasyon sa Hawaii at umaasang walang maapektuhang mga Pinoy sa nabanggit na kalamidad.

“Mga Pilipino nagtatrabaho sa main cities, eh forest fire yun no. so ang we’re monitoring the situation. Ang magandang balita, walang affected na Pilipino, so far sana ganoon po,” dagdag ni De Vega.

Umakyat na sa 53 ang death toll sa wild fire na tumupok sa maraming kabahayan sa bayan ng Lahaina, Maui, Hawaii. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Mga negosyanteng Pinoy sa Hawaii, binisita si PBBM sa MalacaƱang

TELETABLOID

Follow Abante News on