WebClick Tracer

May delubyong darating? Patay na oarfish natagpuan sa Leyte

Isang higanteng isda o oarfish ang nakita sa Barangay Guadalupe, Baybay City, Leyte.

Ayon sa uploader na si Reyvan Salubre, mga batang naglalaro sa may ilog ang nakakita sa patay na oarfish noong August 2 ng alas-singko ng hapon.

Ilang residente naman ang natakot sa paglutang ng oarfish dahil baka nga raw magkaroon ng kalamidad sa kanila.

Ayon sa pamahiin, ang paglabas ng oarfish ay senyales daw na magkakaroon ng delubyo.

Ang oarfish daw kasi ay naninirahan sa pinakamalalim na parte ng dagat kaya kung magpapakita sila ay may abnormal na nangyayari sa ilalim ng tubig na kadalasan ay lindol. (IS)

See Related Story Here:

Patay nga higanteng oar fish gikagubtan sa Misamis

TELETABLOID

Follow Abante News on