WebClick Tracer

Maine ni-like pagkalampag sa MTRCB vs pagmumura ni Wally?

maine mendoza

Hot topic ngayon si Maine Mendoza matapos umano niyang i-like ang isang post na nananawagan sa MTRCB na aksiyunan ang pagmumura ni Wally Bayola sa “EAT”.

Napansin ng ilang netizen ang kanyang “likes” history sa Twitter.

Pero kapag pinuntahan ang official Twitter account ni Maine ay wala roon ang sinasabing pag-like niya sa panawagan ng username @AltStarMagic sa MTRCB.

Ibinahagi naman ng entertainment blog Fashion Pulis ang screenshot ng naturang post ng @AltStarMagic.

Ishinare rin nila ang screenshot ng Twitter account ni Maine kung saan makikita ang ni-like na panawagan ng @AltStarMagic.

Ilan namang fan ang nagtanggol kay Maine at sinabing baka aksidente lang nitong na-like ang post.

“Pwede namang na-accidental like niya yung post. Ganun nangyayari sakin pag nagsscroll ako sa social media before going to bed. Yung paantok ka na tapos di mo alam kung ano na pala napipindot mo.”

Wala pang reaksiyon hinggil dito si Maine. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on