WebClick Tracer

Jordan Clarkson nagpaulan ng tres sa practice ng Gilas

Nagpaulan na kaagad ng tres si Jordan Clarkson sa practice ng Gilas Pilipinas.

Sa ibinahaging video ng Utah Jazz, ang koponan ni Clarkson, makikitang tumitira ito sa corner ng three-point area.

Kamakailan lang ay sumama na sa practice ng Gilas si Clarkson, na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig.

Si Clarkson ang inaasahang mangunguna sa opensiba ng Gilas para sa paparating na FIBA World Cup. Magsisimula ang kampanya ng Gilas sa World Cup laban sa Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Jordan Clarkson present sa practice ng Gilas Pilipinas

TELETABLOID

Follow Abante News on