WebClick Tracer

Joey de Leon tinawag na ‘B O B O’ ang peke

May banat na naman si Joey de Leon sa mga hindi original.

Nag-post ng throwback ng isang magazine cover ang Henyo Master sa kanyang IG.

Makikita siya sa throwback photo kasama ang iba pang pioneer host ng Eat Bulaga na sina Vic Sotto, Tito Sotto, Richie D’Horsie at Chiqui Hollman.

“B O is Be Original. Pag dalawa na kayo, eh di B O B O na yung isa!” saad niya sa caption.

Bago nito’y nagparinig na siya tungkol sa peke.

“Isang sampal este, sample pala ng napapanahong kasabihan—-‘FAKE EAT AND LIVE EAT!’ Ngek! He, he… ‘Take it or leave it’ yata!”

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on