WebClick Tracer

Erik Santos ulila na

Matapos pumanaw ang kanyang ina noong nakaraang taon, ang erpat naman ng Kapamilya singer na si Erik Santos ang namatay nitong August 10.

Isinapubliko niya ang pagkamatay ng kanyang erpat na si Renato Aquino Santos sa edad na 70.

Sa Instagram, nag-post si Erik ng picture ng kanyang tatay.

“Our beloved Tatay has now joined our Creator,” caption ni Erik.

“Mahal na mahal kita, Tay,” dagdag pa niya.

Hindi binanggit ni Erik ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang Tatay Renato.

Noong nakaraang taon lamang ay pumanaw rin ang nanay niyang si Angelita sa edad na 66 dahil sa cancer. (IS)

View this post on Instagram

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)

TELETABLOID

Follow Abante News on