WebClick Tracer

COA nasilip ilang ospital hindi nagbigay ng 20% discount sa mga senior citizen

Nasilip ng Commission on Audit (COA) na ilang ospital ang hindi nagbigay ng mandatory 20% discount sa mga pasyente nitong senior citizen.

Pinuna ng COA ang halos 200,000 claims mula sa pitong regional office na walang senior citizen discount, ayon sa PhilHealth report.

Nagresulta ito ng mga sobrang bayad na nasa P535 milyon.

Sa Metro Manila, Rizal Province, Central Visayas at Davao Region nakita ang pinakaraming claim na hindi nabigyan ng senior citizen discount.

Dahil dito, ayon sa COA, binalikat ng PhilHealth ang humigit-kumulang P113 milyon sa sobrang bayad.

Mahigit P422 milyon naman ang sinagot ng ilan pang ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development at Office of the President.

“PhilHealth and other government agencies offering health insurance and medical assistance incurred unnecessary expenses while HCIs benefited from the overpayments,” pahayag ng COA.

See Related Story Here:

Social pension para sa mahihirap na senior citizens, dinoble sa proposed 2024 national budget

TELETABLOID

Follow Abante News on