WebClick Tracer

Celtics, Lakers maghaharap sa Pasko

Inilabas na ng NBA ang listahan ng mga koponan na maghaharap sa Pasko. Kabilang sa mga maglalaban sa Pasko ang Boston Celtics at Los Angeles Lakers.

Bukod sa Celtics at Lakers, masisilayan din sa Pasko ang Milwaukee Bucks laban sa New York Knicks, Philadelphia 76ers laban sa Miami Heat, Dallas Mavericks laban sa Phoenix Suns at Golden State Warriors laban sa Denver Nuggets.

Samantala, ang opening night naman ng NBA ay sa Oktubre 24 na. Sa pagbabalik nito, maghaharap ang Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets at Phoenix Suns laban sa Golden State Warriors. (CS)

See Related Story Here:

Anthony Davis magtatagal pa sa Lakers, panibagong kontrata kasado na

TELETABLOID

Follow Abante News on