WebClick Tracer

Beki, tibo hindi exempted sa ROTC – Bato

Hindi umano exempted ang mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer o LGBTQ sa oras na maibalik ang panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

“Lahat-lahat, kasama. Walang mga — pag sinabing male and female, nandyan na yung LGBTQ kasama na ‘yan,” pahayag ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order at sponsor ng Senate Bill No. 2034 o mandatory ROTC bill.

Una rito, kinuwestiyon ni Senador Francis Escudero ang pagsama ng mga kababaihang estudyante sa mandatory training sa ilalim ng ROTC program.

Pero paliwanag ni Dela Rosa, kailangang handa ring lumaban ng mga babae, hindi lamang ang mga lalaki sa oras na atakehin ng ibang bansa ang Pilipinas.

“Ang bala ng kalaban kapag tayo ay inatake ng ibang bansa ay hindi namimili ng lalaki at babae. Kaya mas mabuti nang pati babae natin ay handa na lumaban,” ayon sa senador.

Sabi pa ni Dela Rosa, Magiging kapaki-pakinabang din umano ang mga kababaihan lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna kaya mabuting isama rin sila sa pagsasanay.

“Yung mga sakuna naman, calamities and disasters, hindi naman namimili yung baha kung babae lang o lalaki ‘yung kanilang tatamaan so mas mabuti yung prepared na rin pati mga babae. So well-trained ‘yung ating mga kababayan to respond,” ani Dela Rosa.

“At kuwan, ‘yung gender equality. So magiging equal tayo sa kababaihan bigyan natin sila ng tsansa na i-defend ‘yung ating bansa. At magserbisyo sila in times of calamity at marunong silang magrespond sa calamity kahit na just to secure their own families, their own children na alam nila kung anong gagawin pagdating sa disasters and calamities,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

‘Ang Ang Ang’ ni Bato dela Rosa ginawang kanta

TELETABLOID

Follow Abante News on