WebClick Tracer

Bato: Mga pulis Navotas sampahan ng kasong kriminal, administratibo

Dapat sampahan ng criminal at administrative charges ang mga Pulis Navotas na sangkot sa pagpatay sa 17 anyos na si Jemboy Baltazar, ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Kasabay nito, dapat rebyuhin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine National Training Institute (PNTI) ang curriculum o program of instruction pagdating sa police operational procedure.

Kinastigo ang paraan ng mga pulis Navotas na sangkot sa pagpatay ng menor de edad na tumalon sa tubig sa takot na silay ay makorner ng mga pulis at mapagkalamang suspek sa kanilang manhunt operation.

“Dahil basic ‘yan eh. Basic ‘yan. Alam mong tumalon, alam mong may tumalon na bata dun sa tubig, bakit barilin mo yung tubig? ‘Di ba? That’s basic,” sabi ni Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief.

“Ang maganda kapag akala i-rescue mo yung bata, i-rescue mo yung bata na tumalon sa tubig kung hindi mo na makita. Bakit mo paputukan mo yung tubig?” dagdag pa niya.

Sa mga kasong ganito, ani Dela Rosa, ang dapat unang konsiderasyon ay arestuhin ang suspek at hindi patayin. Subalit sa huli, nakatakas ang tunay na suspek at napatay ang inosenteng tao.

“Nadisgrasya yung inosenteng bata na tumakbo, tumalon lang dahil natakot, na-rattle yung bata, tumakbo,” ayon kay Dela Rosa. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Bato hindi pabor mag-order mga preso sa GrabFood, FoodPanda

TELETABLOID

Follow Abante News on