WebClick Tracer

Batang Fil-Korean na dinukot, inilagay sa maleta ng caretaker na-rescue

Agad nasagip ng mga pulis ang 8-anyos na Filipina-Korean na dinukot ng caretaker ng tinitirhan nilang apartment sa Barangay Bakilid, Mandaue City, Cebu City.

Ilang oras lamang makalipas kidnapin ni Godiflor Rama, 32, nasagip ang biktima noong Agosto 10.

Nakunan ng CCTV si Rama habang itinutulak ang maleta kung saan niya isinilid ang biktima.

Ini-report sa mga pulis ang insidente bandang alas-5 ng hapon, at bandang alas-8 naman ng gabi nang matagumpay na nasagip ang biktima sa isang boarding house sa nabanggit din na barangay. Naaresto rin doon ang suspek.

Inamin niyang dinukot niya ang bata bilang ganti sa mga kamag-anak nito, na nambintang sa kanya ng pagnanakaw sa apartment.

Nahaharap si Rama sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.

TELETABLOID

Follow Abante News on