WebClick Tracer

Aljur Abrenica tinawag na ‘baby’ si AJ Raval

Kita ang kilig ni Aljur Abrenica nang tawagin niyang “baby” si AJ Raval.

Ishinare ni AJ ang video na ito sa kanyang Instagram.

Makikita roon na nakatalikod si Aljur at tinawag siya ni AJ.

“Aljur… hi” ang sabi ng aktres.

Nang lumingon na aktor ay makikitang may bulaklak ito sa tenga at sinabing, “Hi baby, thank you”.

Kamakailan lang ay flinex ni Aljur ang isang larawan kung saan makikitang nag-camping sila ni AJ sa Canada.

“Big Fish Bay Slave Lake,” caption nito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on