WebClick Tracer

Veteran actor Robert Arevalo pumanaw na

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Robert Arevalo o Robert Francisco Ylagan sa tunay na buhay nitong August 10.

Ibinalita ng kanyang anak na si Anna Ylagan ang pagpanaw ng aktor sa edad na 85 sa isang Facebook post.

“Today is the day that the Lord has chosen to take our dearest Papa home. Robert Francisco Ylagan, a.k.a. Robert Arevalo, has peacefully passed away at 10:17am this morning, Aug. 10, 2023,” aniya.

“Praise God for His mercy and grace. We are grateful that He has given us the best Papa one can ever wish for. Thank you for loving us the way you did, Pa. Although our hearts are broken, we are comforted by God’s promise that He has a place reserved for you in His kingdom in Heaven where all of us who believe in His son, Jesus, will one day reunite,” dagdag pa niya.

Isasagawa ang burol para sa namayapang aktor sa Solace Rooms 1 & 2 sa Arlington Chapels sa Araneta Ave., Quezon City simula sa Sabado, Agosto 12 hanggang Linggo, Agosto 13.

Napanood pa si Arevalo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2018. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on