WebClick Tracer

Romualdez: Kamara titiyaking bawat piso ng P5.768T budget tama ang pagkakagastusan

Titiyakin umano ng Kamara de Representantes na tama ang pagkakagastusan sa bawat pisong pondo para sa ilalim ng panukalang 2024 national budget, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

“With utmost diligence, we will ensure that every centavo of the proposed P5.768 trillion budget will be judiciously spent,” sabi ni Romualdez sa unang araw ng budget briefing.

“Obligasyon po natin na tiyakin na bawat sentimong buwis na ibinabayad ng ating mga kababayan ay magagamit ng tama at nararapat. Bawat sentimo nila, may serbisyong kapalit mula sa gobyerno,” sabi pa nito.

Sinabi ni Romualdez sa mga economic managers ng administrasyong Marcos na hihimayin ng Kamara ang pondo ng bawat ahensya at departamento upang masiguro na mapupunta ang pondo ng mga ito sa mga proyekto at programa na tutugon sa mga problema ng bansa.

“With an unyielding commitment to unity and accountability, let me assure you that the House of the People will diligently, swiftly, and resolutely take action on the proposed budget as outlined in the National Expenditure Program. We are completely mindful of the weight of this obligation, and we recognize the trust and faith reposed in us by our citizens,” sabi pa nito.

Pinuri rin ni Romualdez ang administrasyon sa pagsusumite ng budget sa Kamara noong Agosto 2 o 20 araw bago ang itinakdang deadline ng Konstitusyon.

Nanawagan si Romualdez sa kaniyang mga kapwa kongresista na makilahok sa deliberasyon at igalang ang pananaw ng isa’t isa at magsama-sama sa pagbuo ng budget na kailangan ng bansa at para sa kapakanan ng mga mahihirap. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on