WebClick Tracer

Rep. Co tiniyak tamang paggamit sa buwis ng bayan

Tiniyak ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na hihimayin at pag-aaralang mabuti ng kanyang komite ang panukalang budget para sa 2024 upang matiyak na tama ang pagkakagastusan nito.

“We are entrusted with the power of the purse, and it is our duty to ensure that every taxpayer’s contribution is utilized wisely and effectively,” sabi ni Co. “As a united force, we will shape a brighter future for the Philippines, and empower the lives of our fellow citizens.”

Kasabay nito ay positibo ring tumugon si Co sa hamon ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tapusin ang budget sa loob ng limang linggo.

“I am honored to take on this responsibility and contribute to the timely passage of the 2024 General Appropriations Bill,” sabi pa ni Co. “Our duty is to diligently assess each proposed budget item and make informed decisions that will benefit our country and its citizens, particularly the marginalized segments of society.”

Tinukuran din ng mambabatas ang panawagan ni Romualdez sa mga miyembro ng komite na makilahok sa pagtalakay at igalang ang pananaw ng bawat isa para sa pagbuo ng budget na naaayon sa pangangailangan ng bansa.

Sinimulan ng talakayin ng komite ni Co ngayong Huwebes ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on