WebClick Tracer

Ray Parks tinuruan si Lucas na maglaro ng basketball

Bata pa lang ay tinuturuan na ni Ray Parks si Lucas, anak ni Zeinab Harake, na maglaro ng basketball.

Sa Instagram story ng vlogger, ibinahagi nito ang larawan ni Ray at Lucas habang naglalaro ng basketball sa isang maliit na ring.

Makikitang nakahubad pa si Ray at si Lucas naman ay tila itinira ang bola.

“Nag sisimula na po syang baguhin ang buhay ni @lucas.harake.” sey ng vlogger.

Tinawag pa ni Zeinab na “coach” ang kaniyang partner na si Ray.

(CS)

See Related Story Here:

Ray Parks sinundo ni Zeinab Harake: ‘Ganda naman ng sundo ko’

TELETABLOID

Follow Abante News on