WebClick Tracer

PSA iniimbestigahan mga National ID na nakita sa tumpok ng basura

Naglabas ng pahayag ang Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa kumakalat na social media post na mga National ID na nakita sa tumpok ng basura sa Barangay Tiling, Cauayan, Negros Occidental.

Tiniyak ng PSA na isolated case ang insidente.

“The privacy and security of the data of PhilSys-registered persons is of the highest priority, and strict protocols in the distribution of PhilIDs and ePhilIDs have been in place since the beginning of its distribution,” pahayag ng PSA nitong Huwebes, August 10.

Makikipag-ugnayan ang PSA sa Philippine Postal Corporation sa imbestigasyon at nangako na tutugunan ang anumang mga “gaps” na makikita sa sistema ng paghahatid upang matiyak na hindi na mauulit ang insidente.

“The PSA remains strongly committed to its mandate of ensuring the security of registered persons’ data from the first step of registration up to the distribution of PhilIDs and ePhilIDs.”

Kamakailan ay pinuna ng social media influencer na si Rendon Labador ang PSA kaugnay sa isyu.

“Kung sino man po ang namamahala ng aming National ID, magsalita naman po kayo. Ang sakit sa aming mga Pilipino na pinapila-pila n’yo kami, inabala n’yo kami, ni-require n’yo kaming kumuha ng National ID na sinabi n’yong importante tapos ngayon makikita namin na ganoon ang ginawa ninyo. Bakit ‘yan nasa basurahan?!” saad ni Rendon. (IS)

See Related Story Here:

Rendon kinalampag PSA sa mga nakitang National ID sa tumpok ng basura

TELETABLOID

Follow Abante News on