WebClick Tracer

Pinoy artist nagpa-wow sa makatotohanang painting ng isaw, betamax

Viral ngayon ang isang Pinoy artist dahil sa kanyang gouache painting tampok ang ilan sa kilalang street food sa Pilipinas na isaw at betamax.

Sa Facebook ay ibinida ni Jaxson Madrista ang kanyang gouache painting na agad nakakuha ng atensiyon at reaksiyon online dahil sa makatotohanang itsura nito.

Iginuhit niya ang mga isaw at betamax na nakatuhog sa stick at nakalagay sa plastic na baso.

Realistic din ang pagkagawa niya ng plastic na baso na may lamang sawsawan.

“Nakikita ko kasi bihira lang gumagamit ng gouache sa mga realistic painting kaya sinubukan ko sa gouache medium,” saad ni Jaxson.

Narito ang comment ng ilang netizen:

“Galinggg.”

“Grabe anlupet ng work mo huhu.”

“Ang galing naman.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on