WebClick Tracer

Pinay beauties! 4 misis ng mga senador rumampa sa ‘Isang Pilipinas’ fashion show

Hindi man sanay sa fashion show pero nagmistulang expert si Kat Yu-Pimentel, ang may-bahay ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel, nang rumampa sa ‘Isang Pilipinas’ fashion show na ginanap sa Malacañang noong Martes.

Suot ang Royal Blue terno Filipiniana dress, isa si Kat sa apat na naggagandahang misis ng mga senador na naimbitahan ng sikat na fashion designer na si Michael Leyva sa show ginawa sa Goldenberg Mansion sa Malacañang.

“I‘m really honored and grateful to be part of our First Lady Liza Araneta-Marcos and my dear friend’s Michael Leyva’s event tonight “Isang Pilipinas” fashion show…” pahayag ng maybahay ni Sen. Pimentel.

“It was a walk for a cause for the chosen foundation of our First Lady Liza Marcos. Such a momentous event to showcase the beauty of our country! Proud to be Pinoy,” dagdag pa niya.

Ang naturang event ay bilang pagpapakita ng suporta sa mga Filipino weaver at local textile at paalala na rin na maaring makasabay ang mga Pinoy sa international fashion.

Ang iba pang mga misis ng senador na dumalo sa event ay sina Heart Evangelista, asawa ni Senador Chiz Escudero, Tootsie ni Senador Sonny Angara at ang maybahay ni Senate President Juan Miguel Zubiri na si Audrey. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Pimentel: Estado ng Pilipinas nakakabahala

TELETABLOID

Follow Abante News on