WebClick Tracer

‘Pinas handang tumulong sa Zimbabwe

Handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Zimbabwe partikular ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura at edukasyon.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Zimbabwean non-resident Ambassador to the Philippines Constance Chemwayi nitong Huwebes ng umaga.

Ipinresenta ni Chemwayi sa Pangulo ang kanyang credentials bilang bagong sugo ng Zimbabwe sa Pilipinas, subalit mamalagi ito sa Malaysia bilang bahagi ng bansang sakop ng kanyang responsibilidad.

Malugod namang tinanggap ito ng Presidente at umaasang magiging simula ito ng magandang ugnayan ng dalawang bansa.

“I hope that you’re coming today will be the beginning of that close ties,” anang Pangulo kay Chemwayi.

Umaasa naman ang non-resident ambassador na marami siyang matututunan sa Pilipinas lalo na ang pagpapalakas sa ekonomiya at ang pagkakaroon ng supisyenteng pagkain.

Sinabi naman ng Presidente na bukas ang kanyang gobyerno na tumulong at umalalay sa Zimbabwe sa larangan ng agrikultura edukasyon.

“So I hope that we can find a way. We happen to have a very well-developed research and development and schools that have been actually the premier schools for agriculturists and agronomists here in Asia,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on