WebClick Tracer

Panukalang P5.768T budget target tapusin ng Kamara sa loob ng 5 linggo

Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na matatapos ng Kamara de Representatives ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024 sa loob ng limang linggo.

Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ngayong Huwebes, nagpasalamat din si Romualdez sa Department of Budget and Management (DBM) sa pagsusumite ng budget ng 20 araw na mas maaga sa itinakdang deadline ng Konstitusyon.

“Sisiguruhin natin na maipapasa natin ang 2024 general appropriations bill sa loob ng limang lingo lamang. Apat na linggo sa mga komite, at isang linggo sa plenaryo,” sabi ni Romualdez.

“I am confident that the House of Representatives will be able to deliberate and pass the national budget on time and transmit the same to the Senate. I can assure everyone that the House of Representatives will not take a break until and unless we have passed this very important legislation,” dagdag pa nito.

Nanawagan naman si Romualdez sa mga miyembro ng Kamara na makilahok sa deliberasyon, makinig, at irespeto ang pananaw ng iba at bigyan ng pagkakataon ang minorya na ihayag ang kanilang mga pangamba.

“The budget deliberations are a meticulous exercise that requires accuracy, objectivity, and most of all, transparency,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Binigyan-diin ni Romualdez ang kahalagahan na masusing mabusisi ang budget upang matiyak na tama ang gagawing paggastos sa limitadong pondo ng gobyerno at nakasusunod ito sa eight-point socioeconomic agenda at Philippine development plan 2023-2028. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Romualdez: Hoarder, price manipulator ng sibuyas buhay na naman

TELETABLOID

Follow Abante News on