WebClick Tracer

P1.939T pambayad ng prinsipal, interes ng utang sa 2024

Umaabot sa P1.939 trilyon ang inilaan ng gobyerno para sa pagbabayad ng prinsipal at interes ng utang nito sa ilalim ng panukalang budget para sa susunod na taon.

Sa unang araw ng deliberasyon ng panukalang P5.768 trilyong budget, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang makikita lamang sa expenditure program ng gobyerno para sa susunod na taon ay ang P670.5 bilyong interest payments at P28.7 bilyong net lending o kabuuang P699.2 bilyon.

Sa pagtatanong ni Lagman, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ito ay 12.1% ng kabuuan ng panukalang budget.

“Debt service on interest payments and net lending is only a smaller portion of the totality of debt servicing because the bigger portion is principal amortization in the amount of P1.34 trillion for 2024,” sabi ni Lagman.

Sagot naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang isinasama lamang sa General Appropriations Act (GAA) ay ang debt service dahil kung isasama umano ang para sa prinsipal ay magdodoble ang pagpasok nito dahil naisama na sa mga naunang budget.

Iginiit naman ni Lagman na bahagi pa rin ito sa gagastusin ng gobyerno.

Paliwanag naman ni National Treasurer Rosalia de Leon ang isinasama lamang sa GAA ay ang mga expenditure lamang.

“So come the time that the loan or the obligation will mature then we have to again pay it we have to incur another liability to service the principal so we are just postponing it so we don’t need to again appropriate it otherwise…. its double appropriations,” sabi pa ni de Leon.

Sinabi ni Lagman na nasa P1.34 trilyon ang ibabayad sa prinsipal na utang.

“So if we pay that, that will be part of the totality of the expenditures of the government. So we have to be transparent. It is not only debt service limited to interest payments and net lending. It should be the entire universe of our expenditure for debt service,” giit ni Lagman.

Ang kabuuang P1.939 trilyon na pambayad ng prinsipal at interes ng utang ay 33% o one-third ng kabuuang panukalang budget ng gobyerno. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on