WebClick Tracer

Motorcycle taxi TWG kinuwestyon sa Kamara

Kinuwestyon ng isang commuter safety and protection advocate ang legal personality ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC-TWG) na nabigo umanong tugunan ang mga reklamo at isyu kaugnay ng pagbiyahe ng motorcycle-for-hire.

Sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Atty. Ariel Inton, Lawyers for Commuter Safety and Protection, na walang legal na batayan ang pagtatayo ng TWG na siyang nangangasiwa sa operasyon ng mga motorcycle taxi.

“We don’t know what kind of animal [the] TWG [is] … it has no legal personality,” sabi ni Inton. “At kapag may complaint doon, they could not decide. And if they decide, can they implement?”

“In other words … that’s the problem now because the TWG that was created, it was so limited as to the scope. Kaya po if we could recommend to Congress, the bigger House na tingnan po natin ‘yong creation ng TWG,” dagdag pa ni Into.

Hindi naman sumang-ayon ang chairperson ng komite na si Antipolo Rep. Romeo Acop sa sinabi ni Inton at sinabi na ang pagbuo ng TWG ay batay sa House Resolution 2449.

Ipinaliwanag ni Acop na habang ginagawa pa ng Kamara de Representantes ang batas para sa regulasyon ng motorcycle taxi pinapayagan ang Department of Transportation sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumuo ng TWG para sa pagsasagawa ng pilot study.

Ang resulta umano ng pilot study umano ang pagbabatayan ng Kamara sa gagawin nitong panukala.

“So nasa kanila ‘yon … they have the legal personality as stated here,” sabi ni Acop.

Inatasan naman ni Acop si LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na isumite sa Kamara ang resulta ng pilot study na dapat ay natapos noon pang 2021.

“Make a report to the House that your study was already terminated and you are coming to a recommendation,” sabi ni Acop.

Sinabi ni Guadiz na magsusumite ng report ang MC-TWG sa loob ng 30 araw. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Mga isyu sa motorcycle taxi pilot study, pinareresolba bago magdagdag ng mga bumibiyaheng rider

TELETABLOID

Follow Abante News on