WebClick Tracer

Josh Hart dehins lalayasan ang Knicks

Walang balak si Josh Hart na layasan ang New York Knicks matapos nitong pumirma ng kontrata para sa nasabing koponan.

Ang kontrata ni Hart ay tatagal ng apat na taon at nagkakahalaga ng $81 milyon.

“New York Knicks G Josh Hart is finalizing a four-year, $81 million contract extension,” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Tinatrabaho na umano ang “final details” para sa kontrata ni Hart upang makabalik na rin ito sa paghahanda ng Team USA para sa paparating na FIBA World Cup.

“Sides are working thru the final details today, and once fully complete, Hart will continue his participation with Team USA on its way to the FIBA World Cup.”

Sa loob ng 25 na laro para sa Knicks, nakapagtala si Hart ng 52 porsyento sa three-point area. (CS)

See Related Story Here:

Team USA nasungkit si Josh Hart

TELETABLOID

Follow Abante News on