WebClick Tracer

Jordan Clarkson present sa practice ng Gilas Pilipinas

Sumama na sa practice ng Gilas Pilipinas si Jordan Clarkson, ang nasabing practice ay ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig.

Si Clarkson ang inaasahang mangunguna sa opensiba ng Gilas para sa paparating na FIBA World Cup. Magsisimula ang kampanya ng Gilas sa World Cup laban sa Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kamakailan lang ay dumating na sa Pilipinas si Clarkson upang samahan ang Gilas para sa paghahanda sa nasabing torneyo. Noong nakaraang season ng NBA, ang 31 taong gulang na guard ay may average na 21 puntos at 4.4 assists.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Jordan Clarkson dumating na sa ‘Pinas

TELETABLOID

Follow Abante News on