WebClick Tracer

Grace Poe dadalo sa kasal ni Lovi sa Europe

Dadalo sa kasal ni Lovi Poe ang half-sister niyang si Senator Grace Poe, ayon kay Cristy Fermin.

Nitong August 9 inanunsyo ng aktres na engaged na sila ng British boyfriend na si Montey Blencowe.

“A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring,” sabi sa Instagram post ng aktres.

Ipinakita pa nito ang singsing habang maririnig ang malakas na alon ng tubig.

Sa “Cristy Ferminute” sinabi ng batikang kolumnista na sa Europe gaganapin ang kasal ni Lovi.

“Ang isa sa mga dadalo sa pagpapakasal sa Europa ni Lovi Poe… si Senadora Grace Poe. Darating po siya sa kasal ng kanyang kapatid na si Lovi Poe, sa Europe po ‘yan. Nakakatuwa naman. Kasi close sila eh, close silang dalawa,” saad ni Cristy.

See Related Story Here:

Lovi Poe engaged na kay Monty Blencowe

TELETABLOID

Follow Abante News on