WebClick Tracer

‘Gold rush of reclamation’ pinahuhukay kay PBBM

Kakailanganin umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng seryosong paghuhukay sa mistulang “gold rush” sa reklamasyon ng bansa.

Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang ginawang pagsuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay magbibigay sa kanya ng panahon upang masuri ang mga aplikasyon sa reklamasyon na inaprubahan at ipinanukala.

“To get to the bottom of reclamation projects, the President has got serious digging to do,” sabi ni Recto. “There is a gold rush in reclamation. President BBM has every right to sift through the sand and find out which are beneficial to the people, the government, the economy, and which are not.”

Batay sa datos ng Philippine Reclamation Authority (PRA), sinabi ni Recto na ang mga aprubado at panukalang reclamation project ay may lawak na 25,120 hektarya o 433 beses ng laki ng Luneta.

“It is safe to assume that this is not in Manila Bay alone – the dumped sand you see there is just the tip of the iceberg – but all over the country,” sabi ni Recto.

Nilinaw naman ni Recto na hindi masama ang reklamasyon subalit kailangan itong pag-aralan ng mabuti dahil sa magiging epekto nito.

Dapat umano ay malinaw din ang magiging benepisyo nito hindi lamang sa kasalukuyang henerasyon kundi maging sa mga hinaharap na henerasyon ng bansa.

“Halimbawa, kung tatayuan ng Philippine Cancer Hospital ang na-reclaim na dagat, panalo ang bayan dyan at ang darating na salinlahi,” paliwanag ng solon. “At kung sasabihin na kailangan na natin mag-reclaim kasi ang kakarampot nating international seaport ay parang embudo na nagdudulot ng buhol-buhol na traffic at perwisyo sa mga exporters, by any yardstick, that is reclamation imbued with public interest.” (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on