WebClick Tracer

Gobyerno mas palalakasin ang mga aksyon para mapanatili ang momentum sa paglago ng ekonomiya

Paiigtingin ng gobyerno ang paggamit ng salapi para sa mga serbisyo sa mga susunod na buwan upang mapanatili ang momentum sa naitalang 4.3% na paglago ng ekonomiya sa second quarter ng taon.

Sa joint statement ng economic managers nitong Huwebes, pabibilisin ang paggamit ng pondo ng gobyerno upang maka-recover sa anila ay “growth momentum”.

Nag-uusap na ang Economic Development Group (EDG) ng gobyerno upang matukoy kung paano mapabilis ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng gobyerno sa loob ng kasalukuyang taon.

“While government expenditure contracted by 7.1 percent in the absence of election-related spending in the first half of the year, government spending will accelerate in the coming quarters to allow to recover our growth momentum,” saad ng joint statement.

Ang paglago ng gross domestic product (GDP) sa second quarter ay bunsod ng pagtaas ng tourism spending at commercial investments,subalit nasabayan ito ng mataas na presyo ng mga bilihin, epekto ng interest hikes at mabagal na global economic growth.

Hinimok ng EDG ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kasama na ang local at regional government entities na bumuo at bumalangkas ng catch-up plans, pabilisin at paglaanan ng pondo ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng gobyerno. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Paglusaw ng COVID restriction, magpapausbong ng ekonomiya ng ‘Pinas

TELETABLOID

Follow Abante News on