WebClick Tracer

Ex-beauty queen tutuluyan sa P50M estafa

Binasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng dating asawa ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na si Jewel May Lobaton para muling buksan ang kasong estafa kung saan siya’y hinatulan na guilty.

Nakasaad sa inilabas na desisyon ng CA na may ilang dokumento at detalye na hindi naisama ni Lobaton sa kanyang Petition for Certiorari na mahalaga para sa kaso.

Dahil dito’y dinismiss ng CA ang hiling ni Lobaton na magkaroon ng re-trial para sa isinampang estafa case laban sa kanya.

Matatandaan na noong September 12, 2022 ay hinatulang guilty si Lobaton ng Quezon City Regional Trial Court Branch 226.

Dahil dito’y naghainng Omnibus Motion ang dating beauty queen para sa panibagong trial sa kaso dahil may ilan umanong kamalian na nangyari habang nililitis ito.

Nag-request din si Lobaton na suspendehin ang parusang pagkakakulong sa kanya at makapaghain ng piyansa, na kinatigan ng Quezon City RTC Branch 226 sa bail na P100,000.

Ngunit kinontra ito ng prosekusyon sa paghahain ng motion for reconsideration dahilan para hindi matuloy ang re-trial na hiniling ni Lobaton.

Umapela si Lobaton sa CA dahil sa umano’y ‘grave abuse of discretion’ ng judge na may hawak ng kaso, ngunit hindi ito pinaburan ng korte.

Si Lobaton ay kinasuhan dahil sa umano’y pag-scam ng lampas P50M sa ilang indibiduwal kasama ang ilang government official.

Nanalo siyang Bb. Pilipinas-Universe noong 1998. Naging misis siya ni Pimentel ngunit na-annul ang kanilang kasal noong 2018. (RP)

See Related Story Here:

Dating misis ni Sen. Pimentel, timbog dahil sa estafa

TELETABLOID

Follow Abante News on