WebClick Tracer

Chiz: Walang pruweba na mas OK ang ROTC kaysa NSTP

Hiniling ni Senador Chiz Escudero sa mga nagsusulong sa Senate Bill 2034 na magpalabas ng scientific study na “total failure” ang kasalukuyang National Service Training Program (NSTP) kaya itinutulak na maibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

Ayon kay Escudero, mahalagang maipakita ang formal study hinggil dito para makumbinsi ang public na kailangan na ngayong tanggapan NSTP na binuo sa ilalim ng Republic Act 9613, at gawing mandatory ang ROTC sa lahat ng mga estudyante.

Sa interpelasyon noong Miyerkoles, sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ang sponsor ng panukala, na sinabi umano ng Commission on Higher Education (CHED) na ‘failed’ ang NSTP Law.

Subalit punto ni Escudero, ipasa ang panukala, dapat umanong suportahan ito ng formal studies at hindi lang informal statements mula sa pro-ROTC advocates.

“Can the gentleman furnish me a copy of a study, not merely the position of the (CHED) Chair but a study that says NSTP actually failed,” dagdag ni Escudero, chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education.

Depensa naman ni Dela Rosa, sa ilalim ng NSTP Law, hindi ito nakapag-produce ng reserve force sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at bigo rin itong makamit ang layunin nito na mag-organisa ng isang national reserve corps na maaring gamitin sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Subalit giit ni Escudero: “I’m asking for a study with respect to number one, the success or if at all, the failure of the ROTC before the NSTP law; and number two, a study, a review, or findings based on evidence and facts that the NSTP was indeed a failure.”

“I have yet to see a study based on facts and evidence that indeed it is a failure, and indeed ROTC is better because you have to remember that ROTC is still a part of the NSTP at present,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng NSTP program, ang mga lalake at babae estudyante sa kolehiyo ay obligadong sumailalim sa isang tatlong program para sa academic period ng dalawang semester.

Subalit ang mga estudyante ay malayang makakapili ng partikular na programa. Ito ay ang Civic Welfare Training Service (CWTS), Literacy Training Service (LTS) at ang ROTC.

Kinuwestiyon din ni Escudero ang claim ni Dela Rosa na ang mandatory ROTC ay magtatanim ng ng pagiging makabayan sa mga kabataan, at nakahandang ipagtanggol at lumabas para sa bansa kung kinakailangan.

“We were taught to march, we were taught to stand, we were taught to carry ‘yong mga garand rifle pa at that time,”ani Escudero.

“But I didn’t feel like I was equipped enough to defend my country because of those two years in college, once a week every Saturday,” dagdag niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on