WebClick Tracer

Chinese timbog sa itinagong shabu, bala sa suwelas ng sapatos

Arestado ang isang Chinese na paalis na sana ng Pilipinas matapos siyang mahulihan ng iligal na droga at bala ng baril sa NAIA.

Ayon sa ulat, nasakote ng mga tauhan ng NAIA PDEA at PNP Avsegroup ang Chinese na si Qian Qiang habang papasok sa huling X-ray inspection.

Pasakay na sana si Qiang ng Flight CZ-3092 patungong China mula Terminal 3.

Nakuha sa ilalim ng suwelas ng sapatos ni Qiang ang limang gramong hinihinalang shabu na may halagang aabot sa P34,000, at isang bala.

Dahil dito, siniyasat na rin ang lahat ng check-in luggage ng dayuhan.

TELETABLOID

Follow Abante News on