WebClick Tracer

Awra Briguela nagparamdam na, ibinida ang paparating na series

Matapos ang ilang linggo na pananahimik sa social media matapos masangkot sa isang gulo, nagparamdam na sa social media ang komedyanteng si Awra Briguela.

Sa ibinahagi nitong larawan, ibinida nito ang paparating na series na ‘Comedy Island Philippines’, kung saan makakasama nito sina Andrea Brillantes, Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, Jerald Napoles at Drew Arellano.

“Ready na kami for #ComedylslandPH!” sey ni Awra.

Matatandaang noong Hunyo ay nasangkot sa isang rambulan sa isang bar sa Poblacion, Makati ang nasabing komedyante. Inaresto pa ito ng mga awtoridad ngunit nakapagpiyansa rin.

(CS)

See Related Story Here:

Awra Briguela binigyan ng ultimatum ni Vice Ganda

TELETABLOID

Follow Abante News on