WebClick Tracer

Villar, Ejercito nagbunyi sa pagsuspinde ng Manila Bay reclamation projects

Ikinatuwa ng ilang senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang mga reclamation project sa Manila Bay.

“I am happy that Pres Marcos is suspending the reclamation in Manila Bay. this is good news to us who are afraid of ill effects of reclamation which will cause massive flooding in our cities,” sabi ni Senadora Cynthia Villar.

Sabi naman ni Senador Joseph Victor Ejercito, “That is a very welcome development! I support the President’s decision 100%.”

Nauna nang sinabi ni Marcos na nirerebyu ang lahat ng proyekto maliban sa isang proyekto na natapos na ang pagsusuri. Hindi naman niya pinangalan ang mga sinuspindeng mga reclamation project.

Samantala, naispatan naman ni Ejercito na tuloy pa rin ang operasyon ng mga dredger sa Manila Manila sa kabila ng pahayag ng Pangulo na sinuspinde na ang mga reclamation projects sa Manila Bay.

“Kadadaan ko lang, tuloy tuloy pa rin operation ng mga dredgers and other vessels sa Manila Bay,” pahayag ni Estrada sa mga reporter. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

PBBM: Reclamation project sa Manila Bay suspendido lahat, maliban sa isa

TELETABLOID

Follow Abante News on