WebClick Tracer

Vice Ganda pumalo sa 15M ang Twitter follower, naghanap ng cake

Tila suportado ng publiko si Vice Ganda sa kinahaharap nitong isyu dahil imbes mabawasan ay nadagdagan pa ang bilang ng mga follower niya sa Twitter.

Pumalo na sa 15 million ang followers ni Vice.

Siya na ngayon ang pinakapina-follow na Pinoy celebrity sa Twitter, at naungusan ang kapwa TV host na si Anne Curtis, na may 14.9M followers habang sinusulat ito.

Ayon sa Twitter, na tinatawag na ngayong X, si Vice ang kauna-unahang Pinoy na naabot ang 15 million followers sa naturang microblogging site.

Nagpasalamat naman si Vice sa mga fan na nagmamahal sa kanya.

“Tingnan mo nga naman oh mas dumami pa ang followers ko. Mas marami pa ‘yung nag-follow talaga eh. Sa lahat nang mga naganap nang ito, mas dumagsa pa ang followers ko. Maraming salamat talaga. Seriously maraming-maraming salamat sa aking mga Twitter follower,” saad ni Vice.

Pinasalamatan din niya si Anne na siyang nagkumbinsi sa kanya na mag-Twitter.

Nagbiro rin siya kung bakit flowers lang ang ibinigay sa kanya ni Ion at walang kasamang cake.

Matatandaang naging isyu ang pagsubo nila ni Ion ng icing sa daliri.

Dahil dito, pinagpaliwanag ng MTRCB ang producers ng “It’s Showtime”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on