WebClick Tracer

Tulfo, iba pa itinalaga sa House Committee on Rules

Inihalal ng Kamara de Representantes si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo bilang Deputy Majority Leader.

Sa sesyon ng plenaryo ngayong Miyerkoles, Agosto 9 tumayo si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos upang maghain ng mosyon na ihalal si Tulfo.

Kasabay nito ay inihalal din ng Kamara si Isabela Rep. Ed Christopher Go bilang Deputy Majority Leader.

Samantala, inihalal naman bilang Assistant Majority Leader sina Representatives Ronald Singson (Ilocos Sur), Daphne Lagon (Cebu), at Crispin Diego Remulla (Cavite).

Ang Majority Leader, si Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe, ang chair ng House Committee on Rules.

Ang naturang komite ang may hurisdiksyon sa mga bagay kaugnay ng Rules ng Kamara, proseso sa paggawa at pagpasa ng mga panukalang batas, panuntunan ng Impeachment Proceedings, Order of Business, Calendar of Business, pagpapadala ng mga panukala at resolusyon sa mga komite, at paglikha ng mga komite ng Kamara. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Erwin Tulfo nanumpa bilang miyembro ng Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on