WebClick Tracer

Sulong pa Ilagan! Mammangi Festival napuno ng saya

Sari-saring pasabog ang naghihintay sa inaabangang Mammangi Festival sa Ilagan, Isabela kung saan tampok ang makulay na street dance at showdown competion ng 8 contingent mula sa iba’t ibang barangay.

Nandiyan din ang agri-eco tourism booth ng mga local entrepreneur kasabay ng 11th anniversary sa cityhood ng Ilagan at ang pagtulak sa mithiing ‘Ilagan Towards a Liveable City 2030’ sa pangunguna ni Mayor Josemarie Diaz at Vice Mayor Kiryll Bello.

Ang Mamangi Festival ay pinagdiriwang bilang pagkilala sa mga corn farmer na malaking parte sa pag-usbong sa ekonomiya ng Ilagan. (Elvie Altez)

TELETABLOID

Follow Abante News on