WebClick Tracer

SC ipinawalang-bisa proklamasyon kay Romeo Jalosjos Jr bilang kongresista

Ipinawalang-bisa ng Supreme Court (SC) ang proklamasyon kay Romeo Jalosjos Jr., bilang Zamboanga del Norte 1st District Representative.

Inutusan din nito ang Commission on Elections (Comelec) upang iproklama si Roberto “Pinpin” Uy Jr., bilang kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga del Norte.

Ayon sa pahayag ng SC Public Information Office, isinantabi ng mataas na hukuman ang utos ng Comelec En Banc na may petsang Mayo 2022 at resolusyon na may petsang Hunyo 2022 dahil sa pag-isyu nang may grave abuse of discretion.

Si Jalosjos, na iprinoklama ng Comelec bilang nanalong congressional candidate noong Hunyo 2022, ay pumangalawa kay Uy na may 69,109 na boto, ngunit nagpasya ang Comelec na “legal na ipasa” ang 5,424 na boto na nakuha ni Frederico Jalosjos (F. Jalosjos), na nauna nang idineklarang nuisance candidate.

Dahil dito, nakakuha si Jalosjos ng kabuuang 74,533 boto, at nanalo kay Uy ng 4,942 na boto.

See Related Story Here:

TVJ posibleng magbabu! Romeo Jalosjos gusto raw kontrolin ang ‘Eat Bulaga’

TELETABLOID

Follow Abante News on