WebClick Tracer

Rep. Duterte itinulak dagdag na postharvest facility para maibaba presyo ng bigas

Pinangunahan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang isang grupo ng mga mambabatas na nagsusulong sa pagtatayo ng mga postharvest facility sa mga probinsyang nagtatanim ng palay upang mapataas ang kita ng mga magsasaka at mapababa ang presyo ng bigas.

“While the government is focused on intervention programs to boost rice production, the impact of these initiatives will significantly be lessened if rice-producing areas lack the facilities they badly need to reduce post-production losses,” sabi ni Duterte.

Inihain nina Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party-list Rep. Edvic Yap ang House Bill 7711 upang makapagtayo ng rice mill at warehouse sa bawat distrito na mayroong bayan na ang pangunahing pananim ay palay.

Sinabi ni Duterte na batay sa pag-aaral ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (Philmech), isang attached agency ng Department of Agriculture (DA), na sa 10-50% ng production output ang nasasayang dahil sa hindi maayos na pag-iibak nito.

Ang nasasayang na produkto ay nangangahulugan umano na napunta sa wala ang ginastos at pagod sa pagtatanim.

“Equally focusing on preventing postharvest losses would not only turn this wastage into higher profits for our farmers, but would also help bring down prices of locally produced rice,” sabi ni Duterte.

Naniniwala si Duterte na sa pamamagitan ng panukala ay maeengayo ang pribadong sektor na magtayo ng mga modernong mapagiimbakan ng mga ani.

“Cutting post-harvest wastage by even 1 percent through the construction of basic facilities like rice mills and warehouses, could significantly boost local production and raise the incomes of our palay farmers,” dagdag pa ni Duterte.

Sa ilalim ng HB 7711, maglalaan ng P1 bilyon para sa inisyal na implementasyon ng postharvest program. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep Duterte itinulak P10B assistance fund para sa mahihirap na cancer patients

TELETABLOID

Follow Abante News on