WebClick Tracer

‘Raining In Manila’ tour ng Lola Amour, magsisimula na sa Agosto 12

Magsisimula na sa Agosto 12 ang ‘Raining In Manila’ tour ng Lola Amour, ito ay magsisimula sa Open Air Auditorium ng Rizal Park sa Maynila.

“#RainingInManila Tour, here we go! Kicking off the tour THIS SATURDAY in MANILA of course!” ayon sa OPM rock band.

Ayon sa banda, mag-aanunsyo pa sila ng mas maraming tour stops.

“More tour stops To Be Announced soon.”

Nag-viral ang kanta ng nasabing banda na ‘Raining In Manila’ noong malakas ang pagbuhos ng ulan dahil sa nagdaang bagyong ‘Egay’ at southwest monsoon o habagat. Ang nasabing kanta ay ginamit ng ilang netizen habang ipinapakita ang walang tigil na pag-ulan.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on