WebClick Tracer

Pumping station walang silbi – Villar

Sa halip na makatulong, nagiging dahilan pa umano ng pagbaha ang pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ayon kay Senadora Cynthia Villar.

Sa pagdinig ng Senate committee on public works, inihalimbawa ni Villar ang Paranaque-Las Piñas River kung saan nang masira ang pumping station, lalo lang nagresulta ito sa matinding pagbaba sa nasabing mga lugar.

“Pag nag-pump ang nakuha basura, nasisira ang pumping station. Sa Paranaque-Las Piñas River, naglagay ng pumping station, lalo lang nagbaha,” sabi ni Villar sa pagdinig.

“Kinuwestiyon ko ang idea ng pumping station. Sa Metro Manila ang pumping station, imbes na pump water, ang nakukuha ang basura. Nagma-malfunction,” nainis na pahayag ng senadora.

Sinabi naman ni MMDA acting chairman Atty. Romando Artes, na trabaho nilang mag-operate ng 71 pumping station at lahat na umano nito ay gumagawa na 100% capacity at napatunayan namang epektibo.

“Efficiency ay proven naman po. May ilang instances gaya na problema sa sobrang dami ng basura. Napipilitan kami na itigil ang operations para alisin ang basura,” sabi ni Artes.

Tinanong naman ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang MMDA kung anong mangyayari kapag tinanggal ang pump station sa mga ilog.

“Lulubog ang Metro Manila pag inalis ang pumping station,” tugon naman ni Artes.

Paliwanag pa ng MMDA, may kaakibat ang pumping station na floodgates para mapigilan ang pagpasok ng tubig mula sa dagat sa Metro Manila.

Dagdag niya, ang pumping station ang siyang nagtatanggal ng tubig mula sa tubig ulan na bumabagsak sa Metro Manila. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Villar, Ejercito nagbunyi sa pagsuspinde ng Manila Bay reclamation projects

TELETABLOID

Follow Abante News on