WebClick Tracer

Pilipinas, Amerika palalakasin ang nursing industry

Nursing

Pag-aaralan ng Pilipinas at Amerika ang posibilidad na magkaroon ng kasunduan upang palakasin ang nursing industry ng dalawang bansa.

Natalakay ito sa pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United States Senator Tammy Duckworth na bumisita sa Malacanang nitong Martes.

Sinabi ng Pangulo na pag-aaralan ang mungkahi ng Amerika bago magdesisyon dahil kinukulang din ng nurses ang bansa dahil marami ang nag-abroad lalo na noong panahon ng pandemya.

“We have a shortage, I think at every level in our healthcare system and much of the reason behind it is the talent leaving the Philippines to find better positions,” anang Pangulo.

Ipinabatid ni Duckworth sa Pangulo na pinag-aaralan ng kanilang gobyerno ang posibilidad na magpadala ng American nursing students para mag-aral sa Pilipinas.

Humanga ang US Senator sa Filipino nurses dahil naipapasa ng mga ito ang licensure examinations sa Amerika.

“It would be really interesting to see if we could send American students to nursing schools in the Philippines because, obviously, you’re teaching to a standard that they can meet licensure in the US. But we don’t have enough nursing programs in the United States, ” ani Duckworth.

Bagamat wala pang konkretong proposal, naniniwala ang Pangulo at ni Duckworth na malaking bentahe ito para lalo pang mapaigting ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

“Let’s look into it. I don’t see why not.I’m sure if we figure out the details, that probably sounds like a good idea,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

18K Pinoy nurse gusto magtrabaho sa Amerika

TELETABLOID

Follow Abante News on