WebClick Tracer

PBBM: Reclamation project sa Manila Bay suspendido lahat, maliban sa isa

Suspendido ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay maliban sa iba.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na opisyal ng Bulacan sa harap ng matinding problema ng pagbaha na nararanasan ngayon ng buong lalawigan.

Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga alkalde ng lalawigan nitong Lunes, ipinaalam ng Pangulo na sinuspinde ang lahat ng reclamation projects maliban sa isa na nakasunod sa mga patakaran .

Nilinaw ng Presidente na walang papel ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa proyekto dahil saklaw ito ng Department of Environment and Natural Resources.

Mga pribadong kumpanya aniya amg mga may proyekto sa reclamation at natuklasang maraming problema kaya sinuspinde ang mga ito.

“Palagay ko DENR hindi publlic works kasi dahil naman construcrion ng public works. Sa private yan. At saka naka -ano sila ngayon, naka-suspinde lahat, under review lahat ng reclamation. Yung isa lang ang natuloy dahil na-review na. Maraming problema, marami kaming nakita na hindi masyadong magandang patakbo.” saad ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na kailangang maayos ang problema dahil kapag natuloy ang lahat ng mga proyekto sa reclamation sa Manila Bay ay maraming mga ilog ang magbabara at lalong lalaki ang problema sa mga pagbaha.

“But anyway, yeah, isa pang malaking problema na kailangan ayusin yan. Kasi kung matuloy lahat yan, maraming ilog ang mababara eh , lumalabas na nga ng Laguna, wala ng pupuntahan talaga yung tubig;” dagdag ng Pangulo.

Maging ang Roxas Boulevard aniya ay naapektuhan na rin dahil nawawala na ang dagat dahil sa reclamation projects.

“Wala na na ngang ano eh, yung Roxas Boulevard wala na yung dagat eh, mawawala yung dagat,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM naalarma, sinuspinde reclamation projects sa Manila Bay

TELETABLOID

Follow Abante News on