WebClick Tracer

PBBM nanindigan, walang kasunduan para alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Sinagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag ng China na mayroong kasunduan para alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nanindigan ang Pangulo nitong Miyerkules na walang anumang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China para alisin ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.

“I am not aware of any such arrangement or agreement that the Philippines will remove from its own territory its ship, in this case, the BRP Sierra Madre from the Ayungin Shoal,” anang Pangulo.

Sakaling mayroong kasunduan, sinabi ni Pangulong Marcos Jr . na binabawi na niya ito.

“And let me go further, if there does exist such an agreement, I rescind that agreement now,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito, inihayag ng China Foreign Ministry na nangako umano ang Pilipinas na aalisin na ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea subalit hindi naman ginagawa hanggang sa mga panahong ito.

Ang BRP Sierra Madre ay barko ng Pilipinas na nakaangkla sa Ayungin Shoal bilang simbolo na pag-aari ng Pilipinas ang teritoryo sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on