WebClick Tracer

PBBM naalarma, sinuspinde reclamation projects sa Manila Bay

Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang reclamation projects sa kahabaan ng Manila Bay, ito ay matapos dumulog sa Pangulo ang mga local chief executive ng Bulacan.

Ayon sa Pangulo, “under review” ang lahat ng projects maliban sa isa na itinutuloy ngayon dahil tapos na umano ito ma-review.

Hindi naman nabanggit ng Pangulo kung alin sa projects ang sinuspinde at alin ang nagtutuloy.

Dagdag pa ng Pangulo, madami silang nakitang problema kabilang na ang hindi maayos na pagpapatakbo nito.

Isa umano ito sa problema na dapat ayusin dahil kung matutuloy umano ang lahat ng reclamation projects ay maraming ilog ang mababarahan dahil wala ng mapupuntahan ang tubig.

(CS)

See Related Story Here:

Manila Bay Reclamation projects pinaiimbestigahan sa Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on