WebClick Tracer

Panukalang P5.768T budget para sa 2024 hihimayin ng Kamara

Sisimulan na ng Kamara de Representantes bukas, Agosto 10, ang pormal na deliberasyon sa panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon.

Haharap sa pagdinig ang mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC)—sina Budget Sec. Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona. Ang deliberasyon ay isasagawa sa plenaryo ng Kamara.

Inaasahan na ilalahad ng naturang mga opisyal ang estado ng ekonomiya ng bansa at ang mga batayang ginamit sa paggawa ng 2024 National Expenditure Program.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nais malaman ng mga miyembro ng Kamara kung papaano magpapatuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at kung papaano magbebenepisyo rito ang mga Pilipino.

“Sa paglago ng ating ekonomiya, dapat itong maramdaman ng ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap sa usapin ng trabaho, kabuhayan at iba pang oportunidad at maging ang pagkakaroon ng pagkain sa lamesa. Sabi nga ng mga ekonomista, dapat maramdaman at makinabang ang lahat,” sabi ni Romualdez.

Iginiit din ni Romualdez ang kahalagahan na maramdaman ng ordinaryong Pilipino ang benepisyo ng magandang ekonomiya.

“If majority of our people do not feel our economic expansion, they should at least see it in terms of the proper use of the national budget for social services, infrastructure, education, health, and even direct financial assistance to the poor and other vulnerable sectors,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Tututukan din umano ng Kamara ang implementasyon ng bagong Agrarian Emancipation Law.

“The law is the hope of more than 600,000 farmers to get rid of over P5 billion in indebtedness that has been hobbling them for years. Now that the law has condoned such debt, we want our farmers to receive support in terms of new credit, inputs, farm equipment, technology, and other assistance so they can recover,” sabi pa ni Rodriguez.

Ayon sa lider ng Kamara ang makikinabang sa bagong batas ang mga magsasaka na nagtatanim sa mahigit 1 milyong hektarya, na karamihan ay palayan. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Panukalang itaas gastos ng mga kandidato, partido sa halalan umusad sa Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on