WebClick Tracer

Panukalang itaas gastos ng mga kandidato, partido sa halalan umusad sa Kamara

Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na itaas ang pinapayagang gastos ng mga kandidato at partido kapag halalan.

Ang House Bill 8370, na mag-aamyenda sa National and Local Elections law (Republic Act 7166), ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala, ang isang kandidato sa pagkapangulo ay papayagan na gumastos ng P50 kada kandidato mula sa kasalukuyang P10. Para sa kandidato sa pagkabise presidente, ang gastos ay hanggang P40 kada kandidato.

Mula sa P3 kada botante, ang authorized expenses ng kandidato sa pagka-senador, district representative, governor, vice-governor, board member, mayor, vice-mayor, councilor, at party-list representatives ay itinataas sa P30 kada botante.

Ang mga partido politikal naman ay pinapayagan na gumastos ng hanggang P30 bawat botante mula sa P5.

Sa ilalim ng panukala ay binibigyan din ng kapangyarihan ang Commission on Elections (Comelec) na baguhin ang authorized campaign expense matapos kumonsulta sa Bangko Sentral ng Pilipinas, National Economic and Development Authority, at Philippine Statistics Authority. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on